Biyernes, Setyembre 21, 2012

In The Beginning......

                I was always curious about how our beki friends life is...how they deal w/ society, how they tell the truth to their family, how they reveal that they are gay & specially, how they survive in a relationship. kasi diba? kung tyong mga straight nga, ang hirap na. How much more sila? And another thing that got me curious is on how they have FUN!!!! yeeepeeee!!

DISCLAIMER: Before you start reading, all of the things that i will be writing is based on my personal experience & feelings at the time of the encounter.if you find this topics/contents offending, please stop reading & leave the page. thank you.

                     MY FIRST EVER       

               Year 2008.... Me and my then bf had a misunderstanding. Every time this happens, I always go out and drink with my friends. But I already got bored with that routine so I decided to invite my best friend (w/ her bf) to try a gaybar.  I don’t know how we managed to convince her bf but we still went there.

               After a drinking spree in one of the famous night bar in baguio, we held a cab and straight to one of the oldest & most famous gay bar in the vicinity. I was so excited & at the same time nervous because this would be my first time. Kung ano-ano na nai-isip ko. Since lumaki ako sa conservative na pamilya, (although rebelde talaga ako kaya nagwawala) iisa lang ang tumatatak sa isip ko nun. “Immoral ang lugar na pupuntahan namin” including……

1.      ang mga pumupunta sa mga lugar na ito ay mga bakla lang
2.      kung may babae mang pumupunta dito, iyon ay mga matrona lamang.
3.      desperada/desperado lang mga taong pumupunta dito.
4.      sisilip lang naman ako. Gusto ko lang malaman kung ano ba talaga meron dito.
5.      hubad ang lahat ng mga lalaking nagsasayaw at nagpapakita sila agad-agad ng titi
6.      mukang pera mga nagtatrabaho dito.
7.      it’s all about sex!

              With all those things na nasa utak ko, dumeretso na kami sa loob.Pagpasok, agad na tumambad samin ang naghihintay na waiter. Medyo lagpas na ng hating gabi nun. Madilim sa lugar na un. Medyo maluwag. May maliit na stage and napapaligiran ng mga upuan. Ang pinaka nakakagulat lang is, WALANG TAO! Kakalerki! Pero dahil lasing na, wala na akong naramdamang hiya. Pasok kung pasok!
              Agad-agad kaming inasikaso ng “mamasang” nila at umupo sa tabi ko.
“ma’m, first time nyo po?”
“oo. First time namin” (w/c is hindi ko pala dapat inamin)
“ma’m, marami pong lalaki dito na baka magustuhan mo. gusto mo ba magtable?”
“ha? Pano ba? Magkano?”
“250 po per drink ng lalake. Tapos ung sa inyo, 150 ang entrance fee pero may kasama ng dalawang drinks un”
“ang mahal naman! Ganun ba talaga?” naloka ako dahil hindi ko talaga inasahan un. Although alam kong may bayad.
“naku ma’m! mura n po un!”
“o sige,tawagin nalang kita pag nakapili na aq” nasabi ko kahit alam kong hindi ako magtatable. Na-isip ko, “syet! Babae ako tapos gagastos ako ng ganun para sa lalake? Wag na oi!”

            Pero mukang nang-aasar lang ang pagkakataon…unang pinasayaw nila ay isang lalaking ubod ng macho. Well, I’m not much into body or muscle worship pero ang talagang nakakuha ng atensyon ko nun ay ang mga mata nyang grabe kung tumitig. My weakness! Deep set of eyes. Hawig nya pa si gary Estrada na talaga namang crush ko back then. NGANGA!!!  At dahil dun, wala ng isip-isip. Tinawag ang mamasang at pinakuha ang boylet! Pagka-upo sa tabi ko, akbay agad ang otoko.(itago nalang natin sya sa pangalang gary) “humay!” kinilig ako! Pero kahit ganun ang pakiramdam ko, alam ko parin kung nasaang lugar ako. Binigyan ng isang boteng beer c gary at sinabi ko nalang sakanya na “isa lang huh?” ngumiti lang ang otoko…and oh my! Ang ganda rin ng ngiti nya! But then again, nagsusumigaw sa utak ko na macho dancer lang yan. (yes! I thought “LANG”).

            Kwentuhan and biruan. At syempre, ano pa nga bang una kong tatanungin kundi ang....

“bakit ka pumasok sa ganitong trabaho?”
            Alam ko na nun kung ano-ano ang pwede nyang isagot kasi in fairness, may t.v. naman kami and may mga naririnig naman na akong kwento tungkol sa mga lalaking nagtatrabaho sa ganitong lugar.

“kelangan eh” sagot nya.
“bakit?” tanong ko.
“kelangan ko kasing magpadala ng pera samin. Ang hirap kasi ng buhay. Ako pa nagpapa-aral sa mga kapatid ko”.

             I don’t remember how I felt back then pero parang hindi ako naniwala. Pero syempre,kiber na! so kwentuhan. Tawanan. Habang ang mga kasama ko ay parang nag-aaway na. (nahuli daw ng bf ung bestfriend ko na nanonood nung sumasayaw….hahahaha!).. napapasarap ang kwento, napapabilis naman ang inom ng katabi ko. Hanggang sa nagpaalam na mga kasama ko. konti nalang dala kong pera nun dahil nagastos ko na dun sa pinanggalingan naming bar. Iniwanan nalang ako ng pera ng kaibigan ko sabay layas….tsaka ko lang napansin. ako nalang pala ang customer nila.
             Maya-maya pa eh lumapit na ang waiter. Tinatanong kung bibigyan ko pa daw ba si gary. Napa-isip ako. Hindi pa matanggap ng sistema ko nun na gumastos ng ganun kalaki para lang sa lalaki. So sinabi ko na wag nalang. Napansin kong may sinenyas si gary sa waiter. Hindi ko alam kung ano yun pero iniwan na kami ng waiter. Maya-maya pa eh naging extra sweet na si gary. Kung ano-anong pambobola na ang ginawa nya. But as I’ve said, hindi tumatalab sakin mga pambobola nya dahil nga sa naka-set na sa utak ko na he’s a sex worker. Gumana ang pagiging fickle minded ko. At aaminin ko, ang baba ng tingin ko sa kanila noon….( NOON)….hanggang sa nagpaalam na akong uuwi na. narinig ko pa ang manager nila na tinatanong sya kung bakit iisang drinks lang daw ang nakuha nya sakin. Tawa nalang ako! Haha!

              Pag-uwi ko….lasing na lasing na ako. Nagttxt si gary sakin nun. At dahil wala na sa huwisyo ang utak ko, kung ano-ano narin naisagot ko. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi to pero nasabi ko…

“sus! Puntahan mo na yung matrona mo. Alam ko naman merong sumusustento sayo eh. Sigurado naghihintay na yun pra i-fuck mo. Hahaha!” (something like that yung natxt ko and alam kong mali yun…you can’t blame me because as I’ve said, I grew up in a conservative/catholic family that almost everything out of ordinary is immoral….ooopsss!!! sorry sa mga catholic…I’m not saying na yan ang tinuturo nyo…this was just my mind set back then.)…. to my surprise, gary just replied......
“hehe.lasing ka lang kaya mo nasasabi yan”

              Hindi ko na alam kung ano pa natxt ko nun dahil nga lasing na ako. The next time I knew was…..hindi ko na sya makalimutan.i felt like I was in love w/ him and I wanted to see him again ASAP!...after all the txt msg’s and the “kilig” moments, inaya ko ang bestfriend kong bumalik sa gaybar. I think 2 weeks lng ang pagitan after the 1st time…..

*****to be continued.... the 2nd encounter*****

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento